UNSAID FEELINGS


* HEY . iM Janica Hinojosa ;))
I'm Just an Ordinary Girl who wants to enjoy the Beauty of Life ♥
its either you gonna LOVE or HATE me .just sit beside me , lets talk and be FRiENDS :))
AGE : 17 years old BiRTHDAY : January 5 , 1995 LOCATiON : Pampanga
GENDER :
Female STATUS : In a long relationship with FUN & FREEDOM
SCHOOL : Angeles University Foundation
COURSE : BSBA Management & Entrepreneurship

Posts tagged chikahan

CAPTURED MOMENTS

image

Akala ko nung una hindi ko ma-eenjoy BAKASYON. AKALA ko lang pala yun , pero sa totoo lang naging MASAYA ako kasama sila! Yung mga ngiti at tawa ko na hindi mababayaran.

Simula April-May sobrang busy ko! Nandyan na yung mga debut-debut, graduation, GIG , concert , tugtog at swimming. May mga oras na sumusuko na ako dahil walang pahinga. Dumating pa sa point na nagkasakit ako, pero sabi nga ng globe. GO LANG NG GO! :))) 

APRIL lagi ako wala sa bahay , gabi na kung makauwi. Minsan nga nahihiya na ako dito sa bahay. Kasi para bang lagi nalang ako wala. Dami kasing events e. Nandyan na yung mga debut,graduation tsaka mga tugtog. Yung mga paguwi ko ng gabi at pag-alis ng bahay, worth-it naman, kasi nakakasama ko mga taong mahahalaga sakin . AYEE <3 

MAY eto yung month na super daming tugtog tapos may mga concert pa. Madalas 2-3 hours lang tulog tapos maglalakad ng sobrang haba sa  ilalim ng napaka-init na araw. Kaya eto ako ngayon nagkasunog sunog na ang balat. Pero kahit nakakapagod ang pagbabanda, nakakaenjoy din,masaya! Yung after ng mahabang paglalakad, uuwi ka ng masaya :3 Itong month rin na ito doon ko mas lalo nakilala si GOD, sa mga GIG na pinupunahan namin kasama mga kaibigan ko. Super BLESSED talaga kame. <3

Yung picture na nasa taas, ayan yung mga ibang kaganapan na nangyare sa month na APRIL & MAY na hindi ko makakalimutan. Hindi man ako nakapunta sa iba’t-ibang lugar para magsswimming at magbakasyon o kung anu-ano pa, NAGING MEMORABLE naman lahat ng mga nangyare kasama sila. Hodibaaa! bago magpasukan may nangyare na maganda sa buhay ko lalo na alam ko kasama ko si GOD <3 

SINO NGA BA AKO?

Ngayon ko lang napansin sa dinami-dami na ng nai-blog ko dito, hindi ko pa pala nasasabi kung sino nga ba ako. Nabasa ko blog ng bestfriend ko. Blog about sa sarili niya kaya ngayon ako naman, para naman hindi siya mahiya :) Sa totoo lang hindi ko alam kung paano ko masasabi lahat kung sino talaga ako. Iba parin kasi pag kakilala mo talaga yung isang tao. 

Alam ko madami nakakakilala sa akin, pero iilan lang sa kanila ang nakakaintindi kung sino talaga at kung bakit ako ganito :) SINO NGA BA AKO pagdating sa…

  • PAMILYA - tatlo kami magkakapatid, may dalawa akong kuya & yes… PRINSESA AKO. joke! >:) Balik tayo sa tanong..sino nga ba ako pagdating sa pamilya ko? Ako yung anak na madaldal at maingay sa bahay. Yung kung ano-ano nalang tinatawanan ko, kahit na pinapagalitan na ako natatawa parin ako. Mahilig din ako magkwento sa mama ko, yung pagkagaling ko sa school nasa pintuan palang ako nagkukwento na ako, hindi ako magbibihis hanggat hindi ko natatapos lahat ng nangyare sa mga pinuntahan ko nung araw na yun. Ganun ako kadaldal! Kung minsan pati mga secrets ng friends ko nakkwento ko na rin, pati sa mga tito at tita ko nagkkwento din ako, kahit yung mga walang kwentang bagay kinukwento ko, yung mga nakakatawang nangyare sakin. Sa pamilya ko madalas ko ikwento mga kalokohan ko, pati yung mga masasamang bagay na nagawa ko kagaya nalang nung hindi ako pumasok sa isang subject dahil pumunta ako mall kasi may nakasale na mga sapatos :)))) Mahilig akong magpaalam sa tuwing gagabihin o may kailangan puntahan. Hindi ako nagsisinungaling kung sino mga kasama ko at saan kami pupunta. Hindi ako gumagawa ng mga kwento para lang payagan ako umalis. Hindi naman nila ako pinagbabawalan kasi alam nila alam ko naman kung ano dapat. Pag alam kong gagabihin ako sa pag-uwi magtetext ako sa kanila, pag naman wala ako load makikitext ako. Hindi ako sanay umuuwi ng gabing-gabi talaga kasi hindi ko nakasanayan yung ganun, pero nagkataon na isang araw nakauwi na ako ng mga 12AM sakto sa bahay na ako,pero nagpaalam ako nun, pero nagmadali parin ako sa pag-uwi , minadali ko mga kasama ko kasi alam ko kahit na pinayagan ako panget parin tignan sa mga babae yung umuuwi ng mga ganun oras -.-” hindi naman kasi porket pinayagan nila ako na hindi agad makauwi e aabusuhin ko na sila. Pagdating sa mga “ILoveYou” naman hindi ako nagsasabi ng ganyan, pero pinapadama ko naman. Sa letter ko lang nasasabi mga yun. Tamad ako sa bahay! kain-tulog lang ako! tas text ng text kaya sabi nila kuya ako daw ay nanalo ng “GOLDEN-TEXTER-OF-THE-YEAR”. Inaaway ko yung mga kuya ko! inaasar ko sila sa mga pang-asar nila at minamafia ko mga facebook nila.Hehe! Pag may pagkain ako hindi ko shineshare MINSAN sa kanila, sa parents ko lang :))) 
  • KAIBIGAN - hindi ako mahilig mag share ng mga kung ano-ano sa mga simpleng kaibigan ko. Mahilig din kasi ako magtago ng mga nararamdaman ko. Kapag malungkot lang! pero kapag MASAYA ay nakooo. Alam na alam! :)) Nung HS may mga kaibigan ako na minsan ayaw magkwento sakin kasi akala nila babasagin ko ung pagmomoment nila, akala nila hindi ako marunong magseryoso, akala nila tatawanan ko lang sila at lolokohin..pero HINDI ! lumipas ang mga panahon, pinagsasabihan narin nila ako ng mga problema lalo na when it comes to love <3 nakakatulong naman ako kahit papano syempre. Marunong din ako magseryoso kahit na puro lang kalokohan at kakulitan alam ko. Napagsasabihan ako ng secrets. Masasabi kong madami akong mga kaibigan dahil sa kakulitan kong ito. Sa una makikita mo parang tahimik lang ako at medyo mahiyain pero grabe lang, mababasag lahat ng AKALA na yun pag nakilala na ako. Hindi ako sweet sa mga kaibigan kong LALAKE! hindi ako yung babaeng nagsasabi ng “iloveyou” sa kanila. Hindi ko din gawain yung mag hug o mag kiss ng lalake kahit yung pangkaibigan lang at mas lalong hindi ako nakikipag holding hands kahit na kaibigan ko lang. BABAE MAN O LALAKE. Ayoko rin inaakbayan ako ng mga lalake. arte ko lang pero ganun talaga aba! Ako yung klase ng kaibigan na matampuhin at mahilig mang-asar kapag may bagong loveteam, yung iinterviewhin ko bawat isa sa kanila tas may pakilig-kilig effect pa ako. Lahat tayo may iba’t-ibang grupo ng kaibigan , may HS friends , College friends at kung ano-ano pa. Sa totoo lang pag may pagkakataon na nandyang sila lahat HINDI KO ALAM GAGAWIN KO. Hindi ko alam saan ako. Hindi ko naiisip na ipagsama sila kasi alam ko magkakahiyaan sila! Hahaha! May pagka KJ din ako. Bakit ko ba nasabing may pagka KJ ako? Sa tuwing may inuman o gimik hindi ako sumasali , NEVER pa kasi ako gumimik. Hindi ko alam yung feeling. Ganun din sa pag inom ng alak, hindi ko pa natry na uminom, minsan nakikiupo nalang ako at pinapanuod sila tapos pa kain-kain lang ako ng pulutan hahaha! Minsan naman may pagkakataong na may magkaaway sa mga kaibigan ko tas naiipit ako, diko alam kung saan ba ako kakampi, minsan si friend1 may sasabihin sakin about kay friend2 , tas si friend2 naman may sasabihin sakin about kay friend1..pero ang ginagawa ko sakin nalang yun kahit na alam kong mas close ako sa isa sinasarili ko nalang kasi ayoko ng mas madagdagan pa awayan nila. No,no,no! Nga pala, nageeffort din ako sa mga taong importante sakin :)))) 
  • KLASE/KAKLASE - OMG! eto na! :))) Matalino ako! estee..matalinaw pala! Kumokopya ako paminsan-minsan pero nagaaral ako ah! Okay lang sakin na kumokopya sila sakin paminsan-minsan pag alam ko. Hehe! Hindi lako mahilig sa recitation kasi natatakot ako lalo na pag sa English subject, NEGA kasi ako. Iniisip ko lahat ng sasabihin ko mali! Natatakot ako magkamali :( iniisip ko agad sasabihin ng ibang tao. Hindi ako nagttry, madalang lang talaga. Minsan kahit na alam kong may kakayahan ako sa isang bagay na ito, hindi ko parin ginagamit. Mahina ang loob ko, madalas wala ako tiwala sa sarili ko. Hindi nagagawa ang isang bagay pag wala yung tulong ng isa kong kaklase kunyare pag sa group-group , ayoko maging leader. Kapag sinasabi nila ako leader naiiyak na ako hahaha. NATATAKOT AKO MAGSALITA SA HARAP NG MADAMING TAO.       
  • KAAWAY - hindi ako palaban na tao, hindi ko hilig ang makipagsagutan,sabunutan o suntukan kahit na minsan kailangan na kailangan na talaga. Hindi ako masyado nagpaparinig sa mga umaaway o kaaway ko :) Pinagpapasensyahan ko nalang at iniintindi pa minsan minsan. Kapag may nakausap lang ako doon ko binubuhos lahat ng sama ng loob ko sa kung sino man yun, pero alam niyo minsan kapag nagalit ako sa isang tao at kinausap na niya ako MAWAWALA LAHAT NG NARARAMDAMAN KO. Hindi man talaga ako marunong magalit sa isang tao. Inis siguro pwedi pa. Madali naman ako magpatawad e

 

  • CRUSH(es)- Madali akong kiligin . Hindi ko maiwasan itago yung saya sa mukha ko pag kinikilig kahit na todo deny ako makikita parin talaga! Paano ako pagdating sa crush? Hindi ako nagsasabi  sa crush ko na crush ko siya. Ewan ko ba. Kahit na sabihin niyang crush niya din ako, hindi ako umaamin :)) May mga pagkakataon din na kapag nalaman kong crush ako ng crush ko, hindi ko na nun siya crush! :)) Magulo akong tao, minsan talaga hindi ako maintindihan kaya nga sabi ko diba konti lang nakakaintindi sakin.
  • GUSTO MANLIGAW - Natawa naman ako dito sa gustong manligaw HAHAHAHAHA! E kasi sa totoo lang wala pa ako pinayagan na manligaw sakin. Ha? Paano mo sinagot boyfriend mo? Hm. Wala ako BF -.- I never had. Eh paano yun? M.U lang? Hindi. Wala rin M.U , BF nga ayoko M.U pa kaya? Mas masasaktan ka sa M.U diba? Yung walang karapatan magselos kasi nakaharang yung malaking salita na HINDI KAYO. Masungit ako minsan sa mga gustong manligaw sakin , naiinis ako sa mga sinasabi nila minsan na hindi naman kapanipaniwala. Yung sasabihin “pag naging tayo hindi kita papabayaan” tsaka yung mga banat-banat na nauuso ngayon? Hindi ako nakukuha sa mga ganun bagay. Minsan kahit na nararamdaman kong sincere na yung isang tao sakin, hindi parin ako pumapayag na magpaligaw. Kasi puro nga mga kanegahan naiisip ko, yung sasaktan niya lang ako tas mag momove-on pa ako. pero NOON yun! ewan ko lang ngayon? :))))) Gusto ko kasi pag manliligaw sila sakin yung pupunta sa bahay at dun sila manliligaw, may mga nag attempt naman na pumunta sa bahay kaso lang talaga ayoko magpapunta ng lalake sa bahay na MAG-ISA. Bakit kaya minsan nagtatanong pa sila kung pwedi manligaw? Paano kung ayaw sumagot ng babae na OO? Dapat deretso ligaw na! Wag na magpaalam. JOKE! :) Kung dati halos natatakot ako pag naiisip kong may manliligaw o may nagkakagusto sakin ngayon MEDYO nalang! Nakakatawa lang minsan kasi pinapagalitan ako bat wala pa daw ako dinadala manliligaw dito sa bahay. Hinayaan ko nalang sila. Kapag yung gusto ko gusto manligaw sakin, sinasabi ko friends muna. Hinihintay ko kasi na mas makilala ko yung taong yun hanggang sa dumating yung point na kilala ko na siya kahit papano. 

Marunong ba ako magmahal? Oo naman marunong ako! appreciative naman ako e, pero minsan diko lang pinapahalata! Kaya nga yung iba sinasabi nila MANHID DAW AKO. Minsan kasi hindi ko nalang masyado pinapansin nararamdaman ng ibang tao, yung pagmamahal na pinapakita nila sakin e parang binabalewala ko lang, kaya masasabi kong NAKAKASAKIT DIN AKO NG DAMDAMIN NG IBANG TAO. Ewan ko ba! Minsan kasi pag pinapahalagahan ko na yung isang tao at nagiging special na siya sakin, nagiging sensitive ako pagdating sa kanya -.- Yung konting bagay nagtatampo ako, konting bagay nasasaktan ako..feelingeraaa hahaha! Kapag may nagugustuhan akong isang tao, umiiwas ako, kasi ayoko ma inlove ng tuluyan! Nagmomove-on agad ako para hindi na lalong mas lumala pa nararamdaman ko kahit na minsan MA-CHA-KIT -.- Chos! :)

Napansin niyo siguro kung ano-ano nalang pinagsasabi ko nu? Mukhang go with the flow lang ako sa buhay at puro kasiyahan lang. Pero hindi, nakakaya ko lang kayanin lahat ng problema paminsan-minsan sa tulong ni GOD <3 naging mas strong ako ngayon dahil sa kanya! Sa mga nagdaan na pagsubok sa buhay ko, sa kanya ako kumapit. Dumating pa sa point na kausap ko na siya pati sa panaginip ko, humihingi ako ng sorry sa mga nagawa ko at tulong sa mga problema pinagdadaanan ko :) Kagaya nga ng sinabi ni Bestfriend hindi man ako nakakasimba araw-araw pero hindi nawawala yung FAITH ko sa kanya. Hindi ko siya nakakalimutan MASAYA at MALUNGKOT. Thankful ako! :)

Siguro naman tama na to nasabi ko para makilala niyo ako unti-unti nu? Sana naman may nagtyaga pang magbasa nito. Sa taong nagtyagang magbasa nito. OMG! ILOVEYOU!! 

image

Bakit ba pagdating sa mga babae okay lang madami manliligaw , pero kapag sa lalake hindi pwede madami nililigawan?

Bakit ba pagdating sa mga babae okay lang madami manliligaw , pero kapag sa lalake hindi pwede madami nililigawan? - ANON

Sa panliligaw kasi ito yung proseso na “getting to know each other” at kung papaano makuha ng lalake ang puso ng babae. (for me)

Hindi naman pinaguusapan dyan ung kung gaano kadami babae ang nililigawan ng lalake kundi kung paano ipakita ng lalake sa isang babae kung gaano talaga ito kahalaga sa kanya sa pamamagitan ng kanyang ibat-ibang pamamaraan.  

As a man, kailangan mag focus ka sa babaeng gusto mo at, sa pamamaraan ng panliligaw you begin to learn how to love her.

Ngayon naman, ang mga babae tumatanggap ng marami manliligaw hindi dahil flirt sila o gusto lang nila makatanggap ng kung ano man. It’s because they wanted to see kung sino talaga karapat-dapat at kung sino yung dapat pagkatiwalaan ng puso nya. Hindi naman basta basta ang pagpili. Buhay din naming mga babae nakataya dyan.

Kung mabasted ka naman ..  yeah! alam naming masakit yun , but if you really love her rerespetuhin mo ang naging desisyon na. 

Ang LOVE parang kinopyang assignment, HIRAP I- EXPLAIN

Nakakatuwang isipin na kung minsan nakikipag awayan pa tayo para lang ipaliwanang kung ano talaga ang LOVE. Nakikipag debate pa tayo sa mga kaklase, kaibigan, pamilya at kung sino-sino pa. Yung kung minsan pa nga nagmamarunong pa tayo para lang maipahayag sarili natin pagpapaliwanag about sa LOVE. 

Napansin ko lang kasi nung isang araw nag-iinuman mga kasama ko, bigla ako nakiupo tapos nagsimula na sila magkwentuhan, ibat-ibat topic pero ang pinaka tumatak sa utak ko yung LOVE, e paano ba naman pati ako nakisali na rin . Kanya kanyang salita , kanya kanyang karanasan at kung ano-ano pa. Babae man o lalake sabay-sabay na halos magsalita, hindi na nauubusan sa pagpapaliwanag kung ano ba talaga yun , kung bakit ganito, bakit ganyan. Bawat sabihin ng isa may pangontra yung isa. Ang gulo lang talaga! Doon ko naisip na tama nga naman, mahirap talaga ipaliwanag ang LOVE. Yung kahit anong pilit mo pa ipaliwanag hindi mo maexplain sabi nga ” words really just can’t explain everything” nararamdaman mo pero hindi mo alam ipaliwanag. 

HINDI LAHAT NG MASAYA INLOVE , MINSAN MASAYAHIN LANG TALAGA